mark~
July 24, 2006
utol ni jay…
makulit din…
palatawa…
un lang! nyehehehe
apo~
July 23, 2006
astig sa lugar namin.
kinatatakutan kahit ng mga tambay doon. kapag nagwala si apo, wala ng makaporma. sa laki ba naman niya na 6’1, malakas pa ang loob, lalo na kapag lasing… sino ba naman ang babangga!?
sia ang arbiter ng tropa. kapag meron nde nagkaka sundo o nagkakaroon ng alitan, sia ang namamagitan. para siang judge na me hawak na kahoy… na kapag sinabi niang tama na o tahimik na… dapat tumahimik ka na. nyehehehehe
presidente sia ng youth organization sa lugar namin. kye tropa namin ang nagpapatakbo ng organization… lahat kami officers! nyehehehehe… kye kami ang nasusunod kung ano ang trip namin na dapat gawin o activities/projects/fund raising sa lugar namin. siempre, ang pondo, nasa amin din! nyehehehehe
ng magkaroon ng bagong election, tanggal kaming lahat… ang pondo, hindi na makita! nyehehehehe
si apo, bigtaim. engineer! sia lang ang nakatapos sa amin… dahil lahat kami, puro pag-e-enroll lang ang alam… para lang makakuha ng allowances sa magulang… para me pang gudtym!
kapag kasama mo si apo, safe ka. dahil kahit saan kayo magpunta, talagang nde ka iiwanan. palaban talaga… kye kahit maghanap ka ng trobol, ayos lang… si apo ang gagawin mong panang-galang! nyehehehehe
minsan pinasok nia kami ni jojo sa isa niang projects. nde me nag enroll noon at sumasakit lang ang tenga ko sa kakabunganga ni ermatz… kye nagpa-pasok kami kay apo. wala kaming ginawa ni jojo sa trabaho kundi maghintay ng break at kainan! nyehehehe… matutulog ako at gigisingin ni jojo kapag breaktime ng 930am. kakain lang. tapos hintay na naman ng 12pm para sa tanghalian! tapos ganon na naman sa hapon. si apo, pupuntahan kami para makipag kwentuhan lang. project engineer sia doon kye walang problema, sagot nia kami. sa uwian, punta na ng beerhouse… naka-charge pa un ng overtime! nyehehehehe
si apo, pagdating sa tropa, nde ka iiwanan. fair sia, walang kinakampihan. basta pag me sigalot sa loob ng tropa, sia ang nag-aayos. kaya matatag at malalim ang samahan… yan ay dahil kay apo. ayaw nia ng nagkakagulo… gusto nia laging masaya!
isa lang ang problema ni apo… pagdating sa babae… lagi siang semplang! nyehehehehe
jay~
July 23, 2006
masarap kasama si jay.
talagang buhay ang barkada kapag andian sia. kahit saang lakaran, sama! lalo na sa pera, walang problema sa kanya, ubos-kung-ubos! at kahit wala kayong pera, didiskarte sia para lang matuloy ang lakad. minsan nga, kahit limang piso lang ang laman ng bulsa ko, larga na… out of town na!
magaling dumiskarte… lalo na sa babae. kye kung mahal mo ang syota mo, at gusto mong wag kang kalasan, wag mong ipapakilala kay jay, dahil kapag nakursunadahan nia, siguradong naghihingalo na ang relasyon nio! nyehehehehe
walang patawad si jay pagdating sa babae. pero lahat ng pinapatos nia, talagang puro artistahin at pang model ang dating. kye kung ang syota mo ay pang katulong lang ang karakter sa isang pelikula… safe ka. sayong-sayo sia! niahahahahaha
lahat ng nagiging syota ni jay ay puro de kalidad… me sinasabi. kye naman ang babae, gatasan lang ni jay. kapag me lakad ang barkada, sa mga syota nia kumukuha ng pang gimik si jay. at kapag wala ng pera ang gurl, lahat ng pwedeng pakinabangan sa katawan ng gurl, kukunin ng jay, para lang meron kaming pang-lakad!
sa isang babae lang sumemplang ang jay. nde nia akalain na babagsak sia dito. kumbaga, nagkamali sia ng diskarte… o nagkamali sia ng timing ng pinasukan nia ang gurl… kye imbes na makuha nia, sumadsad sia.
mamaya, malalaman mo kung sino ang gurl na un. pero sa ngayon, concentrate muna tayo kay jay. magaling siang makisama. malambing sa gurls, kaya kahit na hinu-huthut na ni jay pati ang dugo ng gurl, nde pa rin nila alam!
minsan, nagpunta kami ng isabela. piesta sa lugar nila egay. bale ang dala lang namin siempre ay pamasahe at konting pang gastos. basta ang importante, makapag out of town at makapag gala!
isang linggo kami doon na walang ginawa kundi matulog, lumafang, gumala at uminom! sarap ng buhay namin. ng pauwi na, kulang na ang pamasahe namin! bale hanggang nueva ecija na lang aabot!
ang ginawa namin, dahil kasama namin si tita pearl, sia na lang ang pina-deretso namin ng manila at kaming tropa ay bumaba ng nueva ecija, para dumiskarte ng pamasahe pauwi ng manila.
pers time ko na mapunta sa cabanatuan. wala kaming kakilala doon. si jay lang ang me kakilala doon, at nagbabakasakali lang kami na andon pa ang mga nakilala nia dati… un lang ang pag asa namin para maka diskarte sia ng pamasahe namin pauwi.
bale lima kaming bumaba ng NE, ako, si jay, apo, egay at russell. si tita pearl lang ang sakto ang pamasahe para maka uwi ng manila. nde na namin sia isinama sa NE dahil nde namin alam kung ano ang mangyayari. mga 10pm kami nakarating sa cabanatuan.
si jay lang ang me alam sa lugar na un, dahil tumira daw sia dati sa lolo nia na taga doon. kaming apat ay walang ka-alam-alam sa lugar. meron daw siang mga naging syota doon at un ang pupuntahan namin para dumiskarte ng pamasahe pabalik.
ang masama, kung andon pa ang mga naging syota nia, dahil more than five years na siang nde nakakapunta doon. so talagang bakasakali lang. para sa amin, adventure ang dating. nyehehehehe
pinuntahan namin ang isa sa mga naging syota nia. swerte dahil andon pa! pinapasok kami sa bahay at pinaghanda kami ng maka-kain. sipsipin mong lima kami na puro gutom, e siguradong kahit ano ang ihanda, sisibasibin namin!
talagang walang hiya-hiya, inupakan namin ang inihanda. at pagkatapos naming kumain, ibi-nuk pa kami sa isang maliit na hotel sa bayan, para doon matulog! at hindi lang un, nagbigay pa ng pera kay jay! shayt! mahirap paniwalaan pero tutuo. at ang matindi pa sa matindi, ang syota nia, maganda na, ambait pa!
past 11pm, pa-alam na kami. sabi ni jay, puntahan daw namin ung isa pa sa naging syota nia. mas bigtaim. dahil nakabakod buong bahay ng pader at me gate pa! ng malaman na si jay ang bisita, pinapasok uli kami at pinakain! wala kaming magawa kundi kumain uli. kung maganda ang gurl na una naming pinuntahan, mas maganda itong pangalawa! talagang wala kang itatapon… pati pawis siguro, hihimurin mo… dahil sa kinis at puti! nyehehehehe
at ganon din, pag alis namin, me pabaon pa uling pera! matindi talaga ang jay dumiskarte pagdating sa pera… hindi ko alam kung ano ang diskarte nia, pero siguradong ang gurl, bubunot at bubunot para magbigay!
ayun, imbes na mag check in na kami sa reserved room namin, punta kaming beerhouse! me pang inom na! nyehehehehe
kinabukasan, pinuntahan naman namin ung isa niang gurl… para mag almusal. lakas nga ng arrive namin, pers time lang na mapupunta doon, walang ginawa kundi maki-kain! at tumagal pa kami ng limang araw sa cabanatuan… na walang ginawa kundi puntahan ang mga naging gurlfriends nia, mangharbat ng datung at maki-kain!
ang matindi pa nito, kelangan, kapag pumunta ka doon sa isa, dapat konti lang ang kakainin mo. dahil siguradong sa susunod niong pupuntahan, kainan na naman! at kapag nde ka kumain, sasama ang loob sayo… dahil iisipin nilang ayaw mo ng inihanda nilang pagkain. kye naman, talagang sa isang tanghalian o hapunan, tatlong beses kami kung lumafang! bwahahahahaha
ang nangyari, all expense paid ang pagkaka stay namin sa cabanatuan! kye mula ng mapadaan kami doon… kapag meron kaming pamasahe papuntang cabanatuan… go na agad! dahil wala ng problema sa gastos kapag andon ka na… busog ka pa!
ganon katindi sa bubae ang jay… na kahit wala na sila nong gurls… give pa rin! sipsipin mong sa dami ng naging syota nia doon… lahat mapagkawang-gawa! nyehehehehe
pagdating sa lugar namin… talagang nde mabilang ang babae ni mokok. doon kami dati nabubuhay, sa mga syota nia. bilib din talaga ako… dahil kahit sinong maging syota nia, talagang magpo produce na datung kapag nag request sia. pang gudtym, pang out of town, talagang mamumulubi ang mga babae… sa dami namin!
ang mahirap lang kay jay, dapat babantayan mo. dahil sa nasanay ng mangharbat ng datung sa gurls, minsan, kahit syota mo, haharbatan nia! lalabas kayo at mag-gu-gudtym…siempre, sia ang taya. wala kang kamalay-malay… galing na pala sa syota mo ang pinang-gu-gudtym nio! nyehehehehe
jojo~
July 22, 2006
hapon ang tawag sa kanya nong bata pa sia.
nde ko sia tinatawag na uncle or tito dahil mas matanda ako sa kanya. kapag nagbabakasyon kami sa kanila nong mga bata pa kami, lagi lang sia sa tabi. nde nakiki-jamming sa amin. kasundo at kalaro namin ang mga tito at tita namin, maliban kay jojo. nde sia palakibo at nde nakiki join sa amin kapag nagkukulitan kami.
kahit sa kanila, wala siang kasundo. nde ko alam kung bakit.
may sinasabi ang pamilya nina jojo nong kabataan namin. malaki ang lupain nila, malaki ang bahay at marami silang mga tauhan… na nagsasaka sa kanilang lupain. marami din silang sasakyan at traktor. kaya naman gustong-gusto ko na magbakasyon sa kanila, dahil andami ko naiipon na pera galing sa mga tito at tita ko.
si mama (nanay ni jojo) ang namamahala ng business nila. si papa (tatay ni jojo) naman ay sa bahay lang. mapolitika si papa, mga politiko ang laging kasama. walang trabaho, dahil nga si mama lahat ang nagma-manage. ang mga tita at tito ko ay laki sa luho, maliban lang kay jojo.
pangalawa sia sa bunso. ang paborito ni lola (nanay ni mama) ay si moi at hate na hate nia si jojo. ang nasusunod sa bahay ay si lola. sa kanya kasi lahat galing ang kayamanan na kanilang tinatamasa, maliban uli kay jojo.
kaya noong mga bata pa kami, awang-awa ako kay jojo. pero siempre, nde ko naman malapitan, dahil nga nde nakikipag usap sa amin.
dahil malakas ang negosyo nina mama, marami ang naiinggit sa bayan nila. isa na siguro ang ka-kumpetensia nilang intsik. minsan, nagkaroon ng business deal si mama at ang intsik na ito. pag uwi ni mama, sakay-sakay ng kotse, bigla na lang umihi sa sasakyan. tapos non, para ng bata. nawalan ng isip! nde na alam ang ginagawa. basta ang pagkakasabi, may pina-inom daw ung ka-deal na tsekwa sa kanya.
dinala sa manila si mama, doon pinagamot. naubos ang mga ari-arian nila dahil sa pagpapagamot ni mama. pero wala ring nangyari. dahil walang nakaka alam sa pagpapatakbo ng bisnis nila, naghirap sila. si mama, namatay ng hindi na bumalik sa tamang pag iisip.
college days—
nagkawatak-watak ang pamilya nina mama. siempre, nag asawa na ang iba kong tito at tita. ang isa sa peborit kong tita na kapatid ni jojo ay nakapag asawa at nakabili ng bahay malapit sa amin. dahil walang ng tumutustos kina jojo, pumunta sia ng manila at nakitira sa ate nia. doon uli kami nagkita at nagkasama.
dahil bago sia sa lugar namin at walang kakilala, isinama ko sia sa tropa. lagi kaming magkasama. minsan ay sa bahay ko na pinapatulog.
dahil nabarkada sa amin, natutong mag-bisyo! ng malaman ni tita, sia pa ang napagalitan. bad influence daw sia sa amin. nde alam ni tita, sa barkada namin natuto si jojo! nyehehehehehe
nde na tahimik si jojo. makulit na rin. nawala na ung ugali nia noong bata pa sia.
kung ako ay matakaw sa babae… si jojo naman ay masiba! walang pinapatawad. basta babae, talagang sagpang! lapitin din ng bubae si jojo. nde ko alam kung bakit??? isang malaking katanungan sa akin ito na hanggang ngayon, nde ko pa rin mahanap ang kasagutan! nyehehehehe
ung batang-bata na ina-alagaan ko sa lugar namin, sa kanya bumigay! ung tatlong marya na magkakapatid na pinagti-tripan namin, sa kanya din bumigay! ewan ko, ma-asim naman ang amoy ni jojo… singkit na parang hapong intsik… pero malapit talaga sa babae. wala akong magawa, kelangan tanggapin… kahit na nde matanggap ng jutaks ketch! nyehehehehe
minsan, madaling araw na kami naka uwi galing sa gimik. nakatambay sa harap ng boarding haus si lorie at ung isa niang kaibigan. nde makapasok sa boarding haus dahil nasaraduhan na. inalok ko na sa bahay na matulog. matagal ko ng kursunada si lorie. ka-klase ko sia sa engineering subjects ko. sa isip-isip ko, pagkakataon na ito! donselya pa si lorie at wala pang nagiging syota.
pumayag naman na doon matulog sa bahay, basta kasama daw namin si jojo. ok, payag naman siempre ako. ng matutulog na, ayaw tumabi sa akin! double deck kasi ang kama ko, kaya si itaas ko pinahiga si jojo, at sabi ko tabi na kami ni lorie. ayaw! gusto, si jojo ang katabi! ayun, ano pa ang magagawa ko, e ayaw ng gurl na tumabi sa akin. kye pinayagan ko na, na silang dalawa ni jojo ang magkatabi. expected ko na, na kinabukasan… mag syota na ang dalawa.
at un na nga ang nangyari. pagka gising ko… mag syota na ang dalawa! nyehehehehe
tweety~
July 17, 2006
matagal na kaming nde nagkaka usap. almost a month na. pinipilit ko na siang iwasan… iwaksi sa aking isipan!
pero nong thursday, bigla siang tumawag. 1am na sa kanila. nakina kongresman ako at nanonood ng tv, habang naghihintay kung ano ang lulutuin nia para sa aming hapunan.
biglang nag ring ang celfon ko. nagulat ako kasi si tweety ang tumawag. never ko ni-expect na tatawagan nia ako. kasi ang alam ko, nakalimutan na nia me. meron na kasi siang bagong bief… kye understood lang na wala na ako sa buhay nia. ayaw kong umasa, kaya pinipilit kong huwag ng magkaroon pa ng communications sa kanya.
kye nagulat talaga ako kasi tinawagan nia me. normally, nde naman talaga tatawag un, unless na me problema… o kelangan ang payo ko. so kataka-taka. nde me makapaniwala. muli na namang nabuhay ay natutulog ko na sanang puso!
binulabog na naman ni tweety! kye kahapon, araw ng aming monthsary… binati ko sia thru email. sumagot naman sia kanina. kasi walang pasok kahapon dahil linggo… at ng matanggap ko ang e-mail nia… nde na naman napigilan ang sarili at nakipag usap na naman!
ayun… ako lang naman ang masasaktan sa bandang huli. alam ko naman na meron na siang mahal na iba. at kahit ano pa ang gawin ko, nde na magbabago un. wala na talaga siang pagtingin sa akin… oldo sinasabi nia na she cares for me… coz ive been part of her life… un na nga eh… NAGING bahagi… meaning tapos na. wala na… lumipas na! isa na lang chapter na kahit balikan mo… wala ng dating, dahil alam mo na ang nangyari. nde ka na gaganahang basahin pa uli.
lucky for her… she got over me.
ako? parang kanta ng mymp… i’ll never get over u getting over me! cant get over her! that’s the truth. hanggang ngayon, sia pa rin ang laman ng puso ko. nde ko maipaliwanag kung bakit??? sa tagal ng aming relasyon at sa tagal na ng aming paghihiwalay, more than a year na… bakit hanggang ngayon ay labz ko pa rin sia?
dati naman, buwan lang… minsan nga, linggo lang… wala na ang damdamin ko sa isang gurl. pero dito kay tweety, inabot na ng taon… and2 pa rin… mayabong pa rin… punong puno pa rin ng buhay… nde malanta! parang nakatanim sa gilid ng ilog na kahit nde mo diligan, nde natutuyot… nde namamatay!
hainaku… isang himala ng pag ibig. pag ibig na kahit walang nag aalaga… pag ibig na kahit nahihirapan… pag ibig na kahit nasasaktan… pag ibig na kahit naguguluhan… pag ibig na kahit ayaw ng maramdaman… hindi pa rin mawala… patuloy pa ring nagmamahal!
ayun lang… kanina, nagpa alam na uli ako. ilang paalam na ba ang ginawa ko. sa dami, nde ko na mabilang. sa pangakong nde na magpaparamdam… nde na magpapakita… wala! laging napapako. sana, huling paalam ko na ito sa kanya! sana makalimutan ko na sia ng tuluyan! masakit eh. hindi ko maiwasan na hindi umasa kapag nakaka usap sia. sa puso ko, nararamdman kong mahal pa rin niya ako. sa isip ko, alam kong mahal pa rin niya ako. pero hindi un ang tutuo eh…
ang tutuo, may mahal na siang iba at may bago na siang karelasyon! un ang tutuo.
kaya sana, makalaya na ako sa pagmamahal ko sa babaeng ito. sana, hindi man ngayon… dumating ang panahon na mawala na ang aking nararamdaman… ng sa ganon… hindi na ako mahirapan at nasasaktan!
si victoy~
July 15, 2006
tikboy! tikboy! sigaw nang isang estudiante doon sa kanyang kaibigan.
habang naka tambay kami sa waiting shed, dinig namin ang sigaw ng estudiante. sabi ni jun, nong bata ako, tikboy ang tawag sa akin. sagot naman ni candy, e ngayong malaki ka na.. nde na tikboy ang tawag sayo… dapat ay victoy na! nyehehehehehe
tawanan ang tropa… kye mula noon, naging victoy na ang tawag namin kay jun! si candy ang nagbansag sa kanya ng pangalan na victoy, at kahit ayaw nia, wala na siang magawa… dahil lahat ng tropa, un na ang tawag sa kanya… at maging sa lugar namin, nakilala na sia bilang victoy. nyehehehehe
si victoy, dati naming kaaway.
bale dalawang tropa sa lugar namin, isa ung sa kanila at isa naman ang sa amin. kami ung mga batang lamay. sila naman ung mga batang chickboy! kami ung makukulit at kina aasaran, sila naman ung tamang gentleman at kinababaliwan ng mga gurls.
si victoy, isa sa mga tagapag tanggol ng mga gurls na pinag ti-tripan namin. isa sia sa kinatatakutan ng mga kabataan sa lugar namin. palaban kasi… malakas ang loob at walang takot makipag away. talagang sugod kung sugod.
sa tropa namin, walang matapang! puro malakas lang manindak at manduro… pero kapag tutuong away na, parang tandang na native… takbuhin lahat! nyehehehehe
mga gurls lang ang takot sa amin… takot na mabastos at maasar. dahil kapag napag tripan namin… siguradong kawawa… iyak lang ang aabutin at kadalasan… magsu sumbong sa tropa nina victoy.
basta me patay sa lugar namin, andon kami. nakiki-kape ng libre, nakiki kain at nagte take out ng mga lafang! ganon kalakas at katapang ang apog at sikmura namin. nyehehehehe… walang maka angal sa amin… kundi ang tropa lang nina victoy. kye kapag dumating sila, eskapo na ang grupo. mahirap ng masukol… at baka bukol pa abutin namin! nyehehehehe
minsan, nagkaroon ng trobol. napag tripan namin ang isa sa mga tsikababes ng grupo nina victoy. sakto naman na dumating ang isa sa tropa nina victoy… pinag tanggol ang gurl. dahil nag iisa lang ung lalake, walang nagawa sa amin sa dami namin… bugbog lang ang lalake.
eto na ang masakit… ang resbak! hinanting kami ng tropa nina victoy… kye lielow lang muna kami. palamig kami sa bahay… doon ang tambayan namin ay may gilid ng haybol namin… sa may hardin na napapaligiran ng punong kahoy, kye nde kita sa loob. me nakahanda kami lagi na kadena, padlock, at kwatro kantos.
isang gabi, natunugan ng tropa nina victoy na andon kami nakatambay sa may hardin namin. bigla kaming pinasok sa loob. tatlo lang sila… pero malalakas ang loob. talagang balak tumira ng isa sa amin. pagpasok nila, bigla kaming natahimik. naghihintayan lang… kung sino ang unang titira! biglang lumabas ang ermatz ko… nagulat dahil me ibang tao. akala bisita ko. nagpalabas agad ng meryenda! ayun, pinakain ung tatlo… naubos ang spaghetti na pinalabas ni ermatz… nasarapan ang mga gunggong!
tapos, nakipag kwentuhan pa ang ermatz ko… walang kamalay-malay na kalaban namin ung kinakausap nia. ng medio mainip na si ermatz… pumasok na ng bahay. ang tatlo… medio nagdalawang isip siguro, nahiya! nde natuloy ang pakay na kumana sa amin. nakipag areglo na lang! nakahinga kami ng maluwag! nyehehehehehe
un ang umpisa na mapasama sa tropa namin si victoy. lagi namin sia ini-invite sa bahay, kainan… inuman… tsongke! sia kasi ang pinaka astig sa tropa nila at sia ang nasusunod. kaya pag sia ang napunta sa tropa namin, sigurong astig na rin kami… wala ng gagalaw pa sa amin. nyehehehehe
hanggang sa maka vibes namin… at nong huli, batang mental na rin ang kupal. ung dati niang ka-tropa, wala na! kami, lalong nadagdagan ang pagiging makulit… wala na ngayon makatira sa amin… kapag me trobol, si victoy na ang pananggalang namin! nyehehehehe
wala uling magawa~
July 15, 2006
katulad ng dati… semo-semo… as usual… walang pagbabago… ganon pa rin…
walang magawa!
at ang mahirap na parte nito, ang maghintay. ganon talaga un, magkarugtong na, na kapag alaws kang magawa… ang tendency… maghintay ng oras.
naka ubos na ng limang stick ng yosi… mahigit isang oras pa ang ipaghihintay para mag lunch break! at take note, lunch break pa lang ang hinihintay… pag nakaraos toditz… uwian naman ang aabangan! sakit na naman ng mata ang aabutin nito… kakatingin sa monitor ng computer.
meron me nakilala na gurl last thursday. shayt! unang kita ko pa lang, kumabog na ang dibdib ko. sa dami ng gurls na naka upo para maghintay ng lalake ng kukuha sa kanila para isayaw… etong gurl agad na ito ang numakaw ng pansin ketch! ok ang height, 5’5 or 5’6 siguro… hayuf ang wankata… nagmumura ang wetpaks… at ang mga boobs… parang santol pa lang na buong-buo! hayuf talaga ang dating… nilindol na naman ang puso ko!
chinita… lovely smile… sa madaling salita… maganda pare koy!
induction ng grupo nila kongresman at invited kami ni meyor. kye naligaw kami sa lugar na un at nakakita ng mga bebeng! si meyor, alive na alive. inabot kami ng 3am, nde pa ina-antok! aliw na aliw kakatingin sa mga bebot.
sabi ko kay kong, ipakilala ako don sa gurl. nong nakilala ko, gusto ko ng umuwi… masaya na me na nakilala sia! nyehehehehe… ganon lang me kababaw. kaso ang meyor, ayaw pa umuwi. isayaw ko daw muna ang gurlala bago kami umisplit. kye ng maka tiempo, pina alam ko kay kongresman, at nde naman tumanggi ang gurl.. sweet sa saliw na tugtog ng live band na nde ko alam kung anong kanta un. basta masaya me. speakless aketch! wala masabi…. kuntento na, na hawak ko ang isa nia kamay at ang isa naman ay nakahawak sa bewang. hay… ang gandang paraluman… gusto ko siang maging siota! nyehehehehehe… nababaliw me sa kanya.
kanina, tinawagan ko si kongresman, sabi ko i-set na magkita kami. i-invite nia raw ng lunch or dinner… basta sabi ko, ako ang taya, ma-invite nia lang ang gurl. ok, sasabihan nia daw me kung kelan.
ayun, isa pa sa mga hihintayin… kung mangyayari o hindi. basta sa ngayon, nde sia maalis sa isipan ko. hayuf na bubae un… da best ang dating!
oras na naman~
July 10, 2006
ng paghihintay!
30 minuto pa ang natitira sa orasan bago mag alas kwatro.
ang tagal… pramis… nakaka inip!
eto ang pinakamahirap sa lahat… ung maghintay ng oras. ok lang sana kung ang hinihintay mo ay tsikabebe… lang problema… kahit isang oras pa yan! nyehehehehe
pero ang maghintay ng uwian… hay, kabato!
gusto ko ng umuwi… pero nde pa pwede. late na nga pumasok, undertime pa! nyehehehe…
madaming gagawin, pero walang magawa… as in nitatamad magtrabaho! tambak na mga dapat tapusin, pero hinahayaan lang dumami… at kapag malapit na deadline, saka magkukumahog! pressure ang kalaban! nyehehehehe…
kung kelan maraming oras pra gawin at tapusin, nde nigagawa… ugaling pinoy talaga… nde maalis katamaran! sabagay, minsan, parang in born na eh… parang nasa dugo na, nde na maaalis… na kahit higupin mo pa, andon pa rin… nananalaytay na!
masipag naman erpatz ko… ganon din ermatz ko… pati mga lolo ko…pero mga anak ng parents ketch… puro me sakit sa bato! kasama na me doon! nyehehehehe
laging late pumasok… nde pa nakukumpleto ang isang buwan na present… laging me absent! kapag nitamad, nde papasok. minsan, tanghali gumising…. tanghalian na papasok! swerte na lang, nde pa nasisibak. kung nde lalong gutom ang aabutin.
sarap kasi matulog… lalo na kapag me pasok. kung kung kelan naman weekends at dayoff, saka naman doon nagigising ng maaga… na kahit gusto mo pang matulog, nde na makatulog! buhay talaga, parang lyf! erap maintindihan.
o cge na, bukas uli.
babush! mmmwah!
eva~
July 9, 2006
diskarte—
siguro sa tagal na hindi ka nanliligaw ng gurl, makakalimutan mo rin kung paano dumiskarte. kung ano ang tamang paraan para makuha o mapasakay ang isang gurl.
un bang kung ano ang nakasanayan mong gawin, na para ka lang naliligo o nagtu tutbras… ay mawawala din pala sa isipan mo, kapag matagal na hindi mo ito ginawa! natural na sa akin ang dumiskarte. sa hinaba-haba ng panahon at sa dami na ng gurls na diniskartehan ko, parang pangkaraniwan na lang. alam mo na agad kung saan kukunin ang kiliti ng gurl, kung paano papatawanin, kung ano ang weaknesses nito… at kung paano kukunin ang loob. un ang pinaka importante sa lahat… ung makuha mo ang tiwala ng gurl, mapalagay ang loob nia sayo… at maniwala sia na ung mga ginagawa at sinasabi mo ay tutuo!
kapag nangyari na un… in the bag ka na! pwede ka ng mag sitting pretty… at para ka na lang naghihintay ng order sa isang restoran, na any monoment ay darating na… ise-serve pa sayo! naghihintay na lang para lafangin mitz! nyehehehehe
kumba sa isang wild animal… kapag napa amo mitz, susunod-sunod na yan sayo, didilaan ka pa at sa isang sutsot mo lang, lalapit agad! nyehehehehe
birthday ni sanny—
bisita nia siempre ang isa sa mga bebeng nia. meron kasamang gurl ang bebeng nia. so kainan, kodakan… puro kami lalake… at dadalawa lang ang bubae! meron pang nagma may-ari ng isa! kye iisa na lang ang pulutan na natitira na aming pag-aagawan! nyehehehehe
e bagong lipat lang me sa haybol ni sanny. nde me agad makaporma siempre, dahil puro halang din ang kaluluwa nong mga kasama kong lalake… at lahat, gustong sibasibin ang nag iisang pulutan! tulo lahat mga laway nila, at nakatingin lahat sa nag iisang pulutan… na kapag me isang gumalaw, siguradong mag-aangilan ang iba at lalabas ang mga pangil! nyehehehehe
tapos na ang kainan at kwentuhan. umakyat na ang sanny boy at ang bebeng nia sa kanilang lungga. naiwan mag isa ang gurl na bitbit ng bebeng ni sanny boy. tawagin natin siang eva… dahil un ang pangalan na pakilala nia. nyehehehehe
mailag ang eva. parang daga na napapaligiran ng mga pusa. takot dumikit at nde palagay makipag usap. tsika-tsika siempre. matipid ang sagot. lahat ng mga mata, nakatutok sa amin! para kaming nasa bahay ni big brother na napapaligiran ng santambak na camera! na kapag nagkamali ka ng salita, siguradong papatawag ka ni big brother sa loob ng confession room… at kung nde ka magbe behave, malamang na ma-evict ka pa! siguradong lahat ng ka-housemate, ikaw ang iboboto para mapalabas sa bahay ni big brother! nyehehehehe
fak! ang mabigat nito, dehins ko alam ang sasabihin. hirap mag start ng conversation kapag walang interes makipag usap sayo ang gurl. tanong-sagot lang, para kayong nasa question and answer portion ng bulagaan… na kapag nagkamali ka ng sagot, out ka na! walang interaction na nangyayari kye dry ang usapan.
bigla ko naisip… hmnnn.. bakit nde. nitanong ko kung mahilig sia sa music at movies. yep, sagot naman ng hitad! napa-yes ako! pagkakataon na! sabay alok sa kanya na kung gusto nia, madami ako collectionz ng mga cd music at dvd movies.. pwede niang tingnan. asan!? sagot uli ng hitad. andon sa kwarto ko, lika tingnan mo para makapamili ka.
biglang parang may nagbukas ng ilaw! click! nyehehehehe… lumiwanag ang paligid. sumama naman ang hitad, interesadong tumingin ng mga pwedeng mahiram. collectionz ko nga un eh… ibig sabihin, nakatago at nde pinapahiram… pero siempre, para lang masolo ang pulutan at mailigtas sa ngipin at kuko ng mga hayok na lobo, kelangan gumawa ng paraan para mailigtas ang nag iisang pulutan! nyehehehehe
pagpasok sa kwarto, nilabas ko naman lahat ng mga koleksiones ketch, pwera pa doon sa mga naka display sa cd rack at tv rack. sige, pinapili ko ng pinapili… at ng nakapili na, hiniram! of course, ano pa nga ba ang gagawin nia doon kung nde hihiramin!???
labas me ng drinks, nagsalang ng pelikula at nood muna kami habang hinihintay na matapos ang sabong sa kabilang kwarto.
nde ko alam kung ano ang diskarte ko. siempre, kakakilala pa lang namin, alangan namang sabihin ko na type ko sia at gustong maging syota!
eto ngayon ang matinding tanong… paano ko ito matitikman?
iniisip ko kasi, kung liligawan ko ito… tatagal lang. uubos lang ng oras at salapi! ang gusto kong mangyari ay wala ng bolahan… fight na agad! laban kung laban! at un ang nagpapadugo ng jutaks ketch… dahil nde ko malaman kung anong diskarte ang gagawin para mapapayag sia na bumigay ng wala ng ligawan…kumbaga sa sabong pagbitaw mo ng tinale… shuffle agad! wala ng paligoy-ligoy pa. kikig kung kikig! patay kung patay! nyehehehe
kye ang ginawa ko… wala akong ginawa! pinabayaan ko lang sia doon. una, nde ko alam ang tamang diskarte. worst, wala akong maisip na diskarte! nyehehehehe
kye pinabayaan ko lang siang mahulog sa bitag… kung may bitag man na nakapain… dedma na lang… kwentuhan lang… tamang prends lang at walang diskarte para isipin niang nde me interesado sa kanya. walang attempt move ika nga. kahit kaming dalawa lang sa kwarto at pwedeng-pwede ko na siang pwersahin dahil nag-ngangalit na at gusto ng pumutok ng mga ugat ko!!! pero nagpigil pa rin me at pinaramdam sa kanya na safe sia sa mga kamay ketch! nyehehehehehe
operation luz~
July 9, 2006
nde ako matahimik… talagang pampagulo sa utak ko itong si luz…
bakit ba naman kasi na-transfer pa ito sa school na pinapasukan namin!? tuloy, naranasan ko kung paano mainlababo sa isang gurl na hindi ka pansin! ang hirap tsong, nde ko mailabas ang damdamin ko… wala me mapagsabihan!
kunyari, normal lang. parang wala. sa school, tuloy pa rin ang pangungulit at pang aasar ng mga estudiante at teachers. pero deep inside, masakit. nde mo maipakita ang nararamdaman… lalo na kapag nakikita mo sia. e araw-araw nakikita mo sia, dahil magka klase kayo… kaya talagang ang hirap day!
kinutsaba ko uli si candy. alam kong patay na patay din sia kay luz. at isa na rin sia sa mga binasted ng gurl! nyehehehehe… kye willing ang ogag na gawin ano man ang binabalak ketch.
gusto namin malaman kung sino ang type ng luz. at iisa lang ang hinala namin, si oliver. sia ung pinaka paborito ng mga teachers sa amin, kasi nga pinaka matalino sia sa mga guys, talented din at me pigura! karamihan ng mga gurls ay may lihim na paghanga sa kanya. pero itong si oliver, tahimik lang! nde palakibo at tipong mahiyain.
kelangan malaman namin, kung type din ni oliver si luz, at kung trip nia ito, saka kami gagawa ng paraan para malaman naman ng kung type din ni luz si oliver. para kaming tulay na ayaw magpatawid! bwahahahahaha!
tinabihan ko si oliver, tsinika-tsika. kunyari dedma lang, kwento me ng mga trip kung gurls sa school. sabi ko type na type ko ung isang gurl sa kabilang section, pero nde ko madiskartehan kasi nahihiya me! nyehehehehe
ang tendency, share din ang ogag! type nia daw si luz, pero nde nia madiskartehan… kasi nga mailap! binggo! kelangan na ngayon ang operation luz~
pinuntahan ko si candy. sia naman ang didiskarte kay luz kung paano malalaman kung sino naman ang tipiz nia sa mga kalalakihan! kasi nga, kung sumemplang kaming dalawa, kelangan malaman kung meron ba siang tipo sa mga ka-klase namin, o kung tutuo ang sinasabi niang ‘bata’ pa sia at wala pa sa isip nia ang mga bagay-bagay tungkol sa pag ibig!
gumawa ako ng note. ginaya ko ang sulat ni oliver.
“hi luz, i really love you. if you feel the same, please reply and return this note. love&kisses, oliver”
bwahahahahaha!
tapos, isinimple naman na binigay ni candy kay luz. walang ka-alam-alam si oliver na ginagamit namin sia. nyehehehehe
sabi ni candy, bago matapos ang klase ay kelangan daw ni oliver ang sagot nia. so excited kami na nde maintindihan. 6pm, uwian na. sabi ko kay candy, puntahan na si luz at kunin kung ano ang sagot nia. pinuntahan naman ni candy at sinimplehan uli si luz. nakita ko na ibinalik ni luz ung note na binigay sa kanya ni canday.
pagbigay sa akin ni candy, ang nakalagay na sagot ni luz ay “thank you”….
hmmmmnnn… medio puzzle kami ni candy. thank you! ano ang ibig sabihin non!?? ang ginawa namin, tanong-tanong kami sa mga matatanda. binigay namin ang sitwasyon… at kung ano ang ibig sabihin nito. ang sagot sa tanong namin, me gusto daw ang gurl sa guy, kye thank you ang sagot. that means, ina-accept nia ang feelings nong guy!
aray! saket…
after a week, nag decide kami ni candy na sabihin na kay oliver. para kung talagang tipo nia si luz, e madiskartehan nia. tutal, wala namang mangyayari na sa amin, dahil kahit sobra pa ang pagka gusto namin sa gurl… e iba naman ang napupusuan nito.
so, ganon nga ang nangyari. sinabihan ko si oliver na may amatz din sa kanya si luz, at binigay ko pa sa kanya ung note na ginawa namin. pinaliwanag ko na lang na kaya namin ginawa un, para matulungan sia! nyehehehehe… nagmuka pa kaming bida! bwehehehehe
tinuruan ko pa ang oliver kung paano ang diskarte, at sinabihan ko pa kung saan nia dapat dalhin o i-date.
ayun, wala pang isang linggo, binalitaan na kami ni oliver, syota na nia ang luz! after a month, ang katawan ng luz, nag iba na. ewan ko, pero sa tingin namin, lumaki ang boobz! siguro dahil malisyoso kami at iniisip namin na nalamas na kaya lumaki ng ganon! nyehehehehe
walang ka-alam-alam ang luz, na kami ang me kagagawan, kaya sila nagkatuluyan ni oliver.
ang tropa, ganon pa rin, makulit pa rin. bahagi na ng buhay namin un. na kahit nde napunta sayo ang babaeng minamahal mo, nde pa rin mawawala ang natural na ugali… ang mang asar at magpa iyak ng estudiante at teachers! niahahahahaha