tweety~

July 17, 2006

matagal na kaming nde nagkaka usap.  almost a month na.  pinipilit ko na siang iwasan… iwaksi sa aking isipan!

pero nong thursday, bigla siang tumawag.  1am na sa kanila. nakina kongresman ako at nanonood ng tv, habang naghihintay kung ano ang lulutuin nia para sa aming hapunan.

biglang nag ring ang celfon ko.  nagulat ako kasi si tweety ang tumawag. never ko ni-expect na tatawagan nia ako.  kasi ang alam ko, nakalimutan na nia me. meron na kasi siang bagong bief… kye understood lang na wala na ako sa buhay nia.  ayaw kong umasa, kaya pinipilit kong huwag ng magkaroon pa ng communications sa kanya.

kye nagulat talaga ako kasi tinawagan nia me.  normally, nde naman talaga tatawag un, unless na me problema… o kelangan ang payo ko.  so kataka-taka. nde me makapaniwala.  muli na namang nabuhay ay natutulog ko na sanang puso!

binulabog na naman ni tweety!  kye kahapon, araw ng aming monthsary… binati ko sia thru email.  sumagot naman sia kanina.  kasi walang pasok kahapon dahil linggo… at ng matanggap ko ang e-mail nia… nde na naman napigilan ang sarili at nakipag usap na naman!

ayun… ako lang naman ang masasaktan sa bandang huli.  alam ko naman na meron na siang mahal na iba.  at kahit ano pa ang gawin ko, nde na magbabago un.  wala na talaga siang pagtingin sa akin… oldo sinasabi nia na she cares for me… coz ive been part of her life… un na nga eh… NAGING bahagi… meaning tapos na.  wala na… lumipas na!  isa na lang chapter na kahit balikan mo… wala ng dating, dahil alam mo na ang nangyari.  nde ka na gaganahang basahin pa uli.

lucky for her… she got over me.

ako?  parang kanta ng mymp… i’ll never get over u getting over me!  cant get over her! that’s the truth.  hanggang ngayon, sia pa rin ang laman ng puso ko. nde ko maipaliwanag kung bakit??? sa tagal ng aming relasyon at sa tagal na ng aming paghihiwalay, more than a year na… bakit hanggang ngayon ay labz ko pa rin sia?

dati naman, buwan lang… minsan nga, linggo lang… wala na ang damdamin ko sa isang gurl.  pero dito kay tweety, inabot na ng taon… and2 pa rin… mayabong pa rin… punong puno pa rin ng buhay… nde malanta!  parang nakatanim sa gilid ng ilog na kahit nde mo diligan, nde natutuyot… nde namamatay!

hainaku… isang himala ng pag ibig.  pag ibig na kahit walang nag aalaga… pag ibig na kahit nahihirapan… pag ibig na kahit nasasaktan… pag ibig na kahit naguguluhan… pag ibig na kahit ayaw ng maramdaman… hindi pa rin mawala… patuloy pa ring nagmamahal!

ayun lang… kanina, nagpa alam na uli ako.  ilang paalam na ba ang ginawa ko. sa dami, nde ko na mabilang.  sa pangakong nde na magpaparamdam… nde na magpapakita… wala!  laging napapako.  sana, huling paalam ko na ito sa kanya!  sana makalimutan ko na sia ng tuluyan!  masakit eh.  hindi ko maiwasan na hindi umasa kapag nakaka usap sia. sa puso ko, nararamdman kong mahal pa rin niya ako.  sa isip ko, alam kong mahal pa rin niya ako.  pero hindi un ang tutuo eh…

ang tutuo, may mahal na siang iba at may bago na siang karelasyon! un ang tutuo. 

kaya sana, makalaya na ako sa pagmamahal ko sa babaeng ito.  sana, hindi man ngayon… dumating ang panahon na mawala na ang aking nararamdaman… ng sa ganon… hindi na ako mahirapan at nasasaktan!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.