jay~

July 23, 2006

masarap kasama si jay. 

talagang buhay ang barkada kapag andian sia. kahit saang lakaran, sama!  lalo na sa pera, walang problema sa kanya, ubos-kung-ubos!  at kahit wala kayong pera, didiskarte sia para lang matuloy ang lakad.  minsan nga, kahit limang piso lang ang laman ng bulsa ko, larga na… out of town na!

magaling dumiskarte… lalo na sa babae.  kye kung mahal mo ang syota mo, at gusto mong wag kang kalasan, wag mong ipapakilala kay jay, dahil kapag nakursunadahan nia, siguradong naghihingalo na ang relasyon nio! nyehehehehe

walang patawad si jay pagdating sa babae. pero lahat ng pinapatos nia, talagang puro artistahin at pang model ang dating.  kye kung ang syota mo ay pang katulong lang ang karakter sa isang pelikula… safe ka. sayong-sayo sia! niahahahahaha

lahat ng nagiging syota ni jay ay puro de kalidad… me sinasabi. kye naman ang babae, gatasan lang ni jay.  kapag me lakad ang barkada, sa mga syota nia kumukuha ng pang gimik si jay. at kapag wala ng pera ang gurl, lahat ng pwedeng pakinabangan sa katawan ng gurl, kukunin ng jay, para lang meron kaming pang-lakad!

sa isang babae lang sumemplang ang jay.  nde nia akalain na babagsak sia dito.  kumbaga, nagkamali sia ng diskarte… o nagkamali sia ng timing ng pinasukan nia ang gurl… kye imbes na makuha nia, sumadsad sia. 

mamaya, malalaman mo kung sino ang gurl na un.  pero sa ngayon, concentrate muna tayo kay jay.  magaling siang makisama.  malambing sa gurls, kaya kahit na hinu-huthut na ni jay pati ang dugo ng gurl, nde pa rin nila alam!

minsan, nagpunta kami ng isabela. piesta sa lugar nila egay.  bale ang dala lang namin siempre ay pamasahe at konting pang gastos.  basta ang importante, makapag out of town at makapag gala!

isang linggo kami doon na walang ginawa kundi matulog, lumafang, gumala at uminom! sarap ng buhay namin.  ng pauwi na, kulang na ang pamasahe namin!  bale hanggang nueva ecija na lang aabot!

ang ginawa namin, dahil kasama namin si tita pearl, sia na lang ang pina-deretso namin ng manila at kaming tropa ay bumaba ng nueva ecija, para dumiskarte ng pamasahe pauwi ng manila. 

pers time ko na mapunta sa cabanatuan. wala kaming kakilala doon. si jay lang ang me kakilala doon, at nagbabakasakali lang kami na andon pa ang mga nakilala nia dati… un lang ang pag asa namin para maka diskarte sia ng pamasahe namin pauwi.

bale lima kaming bumaba ng NE, ako, si jay, apo, egay at russell.  si tita pearl lang ang sakto ang pamasahe para maka uwi ng manila. nde na namin sia isinama sa NE dahil nde namin alam kung ano ang mangyayari. mga 10pm kami nakarating sa cabanatuan. 

si jay lang ang me alam sa lugar na un, dahil tumira daw sia dati sa lolo nia na taga doon. kaming apat ay walang ka-alam-alam sa lugar.  meron daw siang mga naging syota doon at un ang pupuntahan namin para dumiskarte ng pamasahe pabalik.

ang masama, kung andon pa ang mga naging syota nia, dahil more than five years na siang nde nakakapunta doon. so talagang bakasakali lang.  para sa amin, adventure ang dating. nyehehehehe

pinuntahan namin ang isa sa mga naging syota nia.  swerte dahil andon pa! pinapasok kami sa bahay at pinaghanda kami ng maka-kain. sipsipin mong lima kami na puro gutom, e siguradong kahit ano ang ihanda, sisibasibin namin!

talagang walang hiya-hiya, inupakan namin ang inihanda.  at pagkatapos naming kumain, ibi-nuk pa kami sa isang maliit na hotel sa bayan, para doon matulog! at hindi lang un, nagbigay pa ng pera kay jay!  shayt! mahirap paniwalaan pero tutuo.  at ang matindi pa sa matindi, ang syota nia, maganda na, ambait pa!

past 11pm, pa-alam na kami.  sabi ni jay, puntahan daw namin ung isa pa sa naging syota nia.  mas bigtaim.  dahil nakabakod buong bahay ng pader at me gate pa!  ng malaman na si jay ang bisita, pinapasok uli kami at pinakain!  wala kaming magawa kundi kumain uli. kung maganda ang gurl na una naming pinuntahan, mas maganda itong pangalawa!  talagang wala kang itatapon… pati pawis siguro, hihimurin mo… dahil sa kinis at puti! nyehehehehe

at ganon din, pag alis namin, me pabaon pa uling pera!  matindi talaga ang jay dumiskarte pagdating sa pera… hindi ko alam kung ano ang diskarte nia, pero siguradong ang gurl, bubunot at bubunot para magbigay!

ayun, imbes na mag check in na kami sa reserved room namin, punta kaming beerhouse! me pang inom na! nyehehehehe

kinabukasan, pinuntahan naman namin ung isa niang gurl… para mag almusal.  lakas nga ng arrive namin, pers time lang na mapupunta doon, walang ginawa kundi maki-kain!  at tumagal pa kami ng limang araw sa cabanatuan… na walang ginawa kundi puntahan ang mga naging gurlfriends nia, mangharbat ng datung at maki-kain!

ang matindi pa nito, kelangan, kapag pumunta ka doon sa isa, dapat konti lang ang kakainin mo. dahil siguradong sa susunod niong pupuntahan, kainan na naman! at kapag nde ka kumain, sasama ang loob sayo… dahil iisipin nilang ayaw mo ng inihanda nilang pagkain. kye naman, talagang sa isang tanghalian o hapunan, tatlong beses kami kung lumafang! bwahahahahaha

ang nangyari, all expense paid ang pagkaka stay namin sa cabanatuan!  kye mula ng mapadaan kami doon… kapag meron kaming pamasahe papuntang cabanatuan… go na agad!  dahil wala ng problema sa gastos kapag andon ka na… busog ka pa!

ganon katindi sa bubae ang jay… na kahit wala na sila nong gurls… give pa rin!  sipsipin mong sa dami ng naging syota nia doon… lahat mapagkawang-gawa! nyehehehehe

pagdating sa lugar namin… talagang nde mabilang ang babae ni mokok. doon kami dati nabubuhay, sa mga syota nia.  bilib din talaga ako… dahil kahit sinong maging syota nia, talagang magpo produce na datung kapag nag request sia.  pang gudtym, pang out of town, talagang mamumulubi ang mga babae… sa dami namin!

ang mahirap lang kay jay, dapat babantayan mo.  dahil sa nasanay ng mangharbat ng datung sa gurls, minsan, kahit syota mo, haharbatan nia!  lalabas kayo at mag-gu-gudtym…siempre, sia ang taya.  wala kang kamalay-malay… galing na pala sa syota mo ang pinang-gu-gudtym nio! nyehehehehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.