luz~

July 9, 2006

3rd year high school—

sia ung gurl na nde lang sexy at maganda… matalino pa!  sabi nga, beauty & brains… na mahirap pagsamahin sa isang babae.  pero hindi kay luz, dahil talaga nga namang kai-inggitan ng mga kaba-baihan… dahil sa katangiang taglay.

lahat ng tropa ay may gusto sa kanya. well, nde man nila aminin, kasama na ako doon! nyehehehe… nde ma-amin na may gusto kay luz.  siguro, pride… or siguro, dahil nong mga panahon na un, para bang napakalaking kasalanan ang magka gusto kay luz! nyehehehehe

ewan ko… hindi ko alam kung ano talaga ang tutuong dahilan, bakit walang makuhang umamin sa barkada, na iisa ang gusto namin.  siguro, dahil nauna na ang pang aasar.  kawawa sa amin si luz… dahil sia ang paboritong asarin ng tropa.  siguro, para mapansin nia. 

sa klase, o sa buong sections ng 3rd year, tropa namin ang pinaka kilala.  notorious kumbaga.  kinatatakutan, kina-aasaran… iniilagan.. at kina-iinisan ng marami.  kaso, wala silang magawa, talagang nagkasama-sama ba naman ang makakapal ang muka at makukulit, ano pa ang hahanapin nila!? nyehehehehe

pero kahit gaano kami kakilala sa school, para kaming invinsible sa harapan ni luz.  nde nia kami nakikita.  dedma kumbaga. para kaming nde nag-e-exist! so siguro, ang isa sa paraan para mapansin nia kami ay ang palagi siang asarin at paiyakin.

natigil lang ang pang aasar namin sa kanya ng hinimitay sia.  me sakit pala sia sa puso! kye naman natakot na ang tropa at tinigilan na sia.  mahirap nga naman, baka matigbak pa ay kasalanan pa namin.

top of the world—

yan ang kantang nde ko malilimutan.  walang magawa nong mga panahon na un. wala rin sigurong maisip na ituro sa amin ang adviser namin… kye ang ginawa, para meron kaming magawa, isinulat sa blackboard ang lyrics ng kantang “top of the world” by carpenters.

tapos, pinatayo kaming lahat at pinakanta nito. 

nasa likod kami naka upo ni candy.  nasa kaliwang side ko sia at katabi nia naman si luz sa may kaliwang side nia rin.  habang kumakanta ang buong klase, walang ginawa si candy kundi umasta na parang kay luz nia inihahandog ang pagkanta nia.  meron pa siang pamu-mwestra na parang yayakap sia kay luz.

bigla akong naka isip ng idea… na kunyari itutulak ko si candy kay luz para ito namang si candy ay mayayakap nia si luz!  so sa tinginan lang, nagka-intindihan na kami ni candy sa aming balak.

kaya ng nag mwestra si candy na kunyari ay yayakap sia kay luz, bigla kong itinulak.  ang candy naman, over acting!  buti sana kung yumakap lang, kaso talagang pati katawan nia ay idinagan pa kay luz.  siempre, ung bigat niang un, nde nakayanan ni luz, bagsak silang dalawa!  ang matindi, bumagsak na, dinaganan pa ni candy at talagang nakayakap ang kupal!

ayun, sa bigat siguro ni candy, sa gulat ni luz at ung impact ng pagbagsak nila, namutla at nawalan ng malay!

shayt!  tigbak kaming dalawa ni candy. at kunyari, magagalit sa akin ang candy sa ginawa ko. over acting na naman ang kupal.  gumawa pa lalo ng eksena… kaya yun, principal ang inabot ko! nyehehehehe

buti na lang, ng mahimasmasan ang luz, napaki usapan ni candy na patawarin ako… at nde na pinapunta ang mga parents ko.  kinausap ko rin si luz ng sarilinan… humingi ng sorry na pinatawad naman me.

shayt talaga… nong mga panahon na un, talang inlababo ako kay luz.  ewan ko, lakas ng amatz sa akin.  araw-araw, gabi-gabi, sia ang laman ng isipan ko.  kye nde ko napigilan, minsan, sinabayan ko sia during our breaktime… at diniskartehan! 

semplang agad! nyehehehehe… pero magaling pa rin siang mambasted… nde halata.  ang sagot nia lang sa akin, para siguro nde masaktan ang damdamin ko… bata pa raw sia at wala pa sa isipan nia ang mga bagay na un.  so, wala me magawa kundi tanggapin kung ano ang sinabi nia. 

siempre, pride na rin siguro, na instead na i-pursue ko ang panliligaw, tumigil na me.  wala e, totoy pa me nong mga panahon na un, nde pa marunong magpakiliti at magpasaya ng bebot… basta kung me bibigay, tanggapin.  kung wala, tanggapin din. 

yun, walang nangyari.

yehey!~

June 21, 2006

uwian na! nyehehehehe

hindi pa naman. kaso nakikisuyo yung secretary namin, i-drop ko daw ang utol nia sa kanila kasi gusto ng umuwi.  sabi ko walang problema basta bigyan nia ako ng dalawang oras na overtime.  kahit daw anim pa, walang problema! nyehehehehe

kye uwi na me. undertime na, me overtime pa! sarap naman… sana laging ganito. para laging maaga maka uwi.

ok din itong secretary namin… malaki pakinabang ko dito.  kapag tinamad ako at walang ganang pumasok, tatawagan ko lang, sasabihin na me sakit me.  ok na!  kapag na-late, sabihin ko lang na nasa workshop ako, or nagpa check up or kahit na ano, na alam nia namang tinanghali lang me ng gising… ok na.  walang tanong-tanong.  nagsasabi lang me ng dahilan para kapag me naghanap, alam na nia kung ano isasagot nia. nyehehehehe

nong lunes nga, nagkaroon kami ng lunch presentation sa labas.  pagkatapos ng presentation, tinamad na me bumalik ng opis. ang layo na ang init pa, gusto ko ng matulog! drain na ang kakarampot kong utak! niahahahahaha!

ayun, tinawagan ko lang at sinabi na kapag me naghanap, sabihin lang na and2 pa me sa presentation, na nite-train pa ako.  pero binilinan ko na wag ng tatawag dahil wala na ako doon at naglalakwatsa na!

o cge na at kelangan ko ng maging taxi driver! nyehehehehe

e2 na naman~

June 21, 2006

oras na naman ng paghihintay.

shayt!  tatlong oras pang tumataginting bago ang uwian! kahirap talaga magputah… talagang uubusin ang lakas, oras, pasensia, buhay at lahat ng panahon na dapat ay nag-e-enjoy ka sa beach habang nanonood ng mga seksing naka tupis… o kye naman ay nagpapalamig sa bar habang umiinom ng peborit na serbesa… o kapag sinuswerte ay me kasamang maganda at batang-batang bebot… lahat ng yun ay wala dahil kelangan mong kumita ng salapi!… at pagdating ng katapusan, dadaan lang sa palad ang pinagfutahan… nde mo mamamalayan, ubos na pala!

kaka-antok.

katatapos lang uli magpa usok.  ang init pa sa labas.  sarap pa d2 sa loob ng opisina, malamig. kung pwede lang matulog, sarap sana magtrabaho ano!? ung bang habang nagta trabaho ka eh natutulog ka… or nanonood ka ng pelikula… or nagbabasa ng pocketbooks… o kye naman ay nakikipag landian sa mga gurls.  sarap siguro kung ganon ang setup ng workplace ano po… parang lahat siguro, gusto lagi ng nasa opisina at wala ng gustong umuwi ng bahay! niahahahahaha!

lunch time~

June 21, 2006

wow! kainan na naman!

kaka-kain ko lang kani-kanina, ngayon, tsibugan na naman! ano ba yan? para na me patabaing baboy nito.  ang hirap, tyan lang ang lumalaki. buti sana kung sa paglaki nito, kasama ding lalaki at hahaba ang nakakabit na batuta…pero baligtad eh.  habang lumalaki ang tyan, para namang nagtatago at nahihiya si manoy.  kelangan mo pang silipin muna bago mo makita! niahahahahaha!

o cge, tsibugan blues na.  kakainis, kainan na naman! samantalang ung iba, walang makain.  sobra kasing taghirap! walang trabaho… kye walang pambili ng pagkain. pero pagdating sa bato, meron pang iskor!  kye dami nabu-buang eh… pano walang laman ang tyan, tapos titira!  pag ni-feature sa tv, sasabihin, sobrang hirap ng mga tao. pero ang mga tao, wala namang alam gawin para mapabuti ang mga kalagayan nila.

sisihin ang gobyerno ni ate glo.  eh hirap na hirap na nga rin si ate glo kung paano nia itatago ang mga kayamanang kinukurakot niya… at kung paano niya ipa-papatay ang mga taong ayaw sa kanya… kaya tantatanan nio na si ate glo.  dahil ang pag iisip lang kung paano sia mananatili sa kapangyarihan ay talagang nakaka drain na… tapos i-a-asa nio pa ang personal niong buhay!

hay naku, bakit kaya hindi na lang maisipan ni ate glo na magpatiwakal… isama niya ang mga alipores niya na mga bulag na sumasamba sa kanya… mass suicide ang gawin nila… baka makatulong pa sila sa bayan.  nyehehehehehe

jovelle: pda~

June 21, 2006

habang nag iikot sa hongkong, kahit saang sulok yata ng mapuntahan ko, meron mga mag sing-irog na nagyayakapan at naghahalikan. sa park, sa gilid ng kalsada, sa bus, sa subway, sa tren… lalo na sa mga pub/disco haus.

wala silang paki-alam. siguro, dahil nasanay sila sa mga bitoy na wala ding paki alam sa mundo. basta maipadama nila ung kanilang pagmamahal or pagnanasa, kahit saan abutin sige lang.  bahala kang manood kung gusto mo, kung hindi naman, dedma lang.

open talaga sila, walang kyeme-kyeme, basta trip mo, sige lang. walang paki-alaman sabi nga.  kye natural na sa kanila ang pda.  un bang para ka lang uminom ng tubig, makipag kwentuhan, maglakad, mamili, kumain… normal ng ginagawa ika nga.  kye kapag nakakita ka ng mag syota na nagla-laplapan habang nakatayo sa aisle ng tren or bus, wag mo ng panoorin, dahil magmu muka ka lang ignorante. nyehehehehehe

4pm ang flight ko papuntang manila.  10am pa lang, dumating na si jovelle sa room.  kwentuhan muna ng konti… na siempre, me kasama na doon ang pda, private nga lang at hindi sa public. nyehehehehe

makita ko lang ang babaeng ito, talagang super inlababo na agad ako.  un pa kayang makasama ko sia, nahahawakan, nayayakap, nahahalikan… kye naman parang love is in the air nong mga panahon na un.  sayang nga lang at me sabit na.  kung wala lang siguro, malamang na tinuluyan ko na at nde pinakawalan.  ewan ko, para na luvstruck ako sa kanya.  siguro, dahil ung mga katangian ng gurls na hanap ko ay nasa kanya.  dalawa lang naman na katangian un na nakakapag painlabz sa akin eh… sexy at maganda… un lang!  nde naman me mapili at maarte, kye kahit alin sa dalawa na yan ang meron ang gurl, katalo na! 

before 12pm nag check out na me sa hotel at nihatid na me ni jovelle papuntang airport.  parang ayaw ko na agad maghiwalay kami.  shayt, ang hirap mainlabz sa me asawa!  kung ang kanta ng "apo" na mahirap magmahal ng syota ng iba… mas mahirap sa me asawa!  dahil any monument… jumbag ang aabutin mo! bwehehehehehe

lunch muna kami sa mini resto ng airport.  tapos chika-chika… para talagang ayaw ko na siang hiwalayan.  kung pwede ko lang ilagay sa travelling bag ko para mai-uwi ko sa amin, ginawa ko na!  hay naku, ganon pala ang feelings nong iiwanan mo ang isang gurl, na parang kayo ang itinadhana ng panahon… kye lang, nakatadhana na magkahiwalay! ang sakit talaga tita helen, pramis, super!

para bang kanta ni barry m. na "we have the right love at the wrong time"… un bang parang hindi mo maihakbang ang paa mo.  it's so hard and heavy talaga.  daig mo pa ang porter na me pasang-pasang isang fridge sa kabilang balikat, at isang aircon naman sa kabila uling balikat!  tapos, naka-kadena pa ang mga paa mo, e baka tumayo pa lang, hindi mo na magawa.

sabi nga reality bites, truth hurts, mga ganong ka-ek-ekan… na kung kelan mo mararamdaman ang isang tunay na pagmamahal, doon naman hindi pwede… doon naman kelangan mong iwanan at kalimutan.  buti sana kung libog lang, magparaos ka lang, punta ka lang kahit sa kubeta, bayuhin mo lang… mamaya, wala na. tapos na! 

pero kapag tumibok ang puso kahit once lang at hindi twice (uy! parang free plugging pa ha)… ang hirap pigilin inday! pro kelangan harapin ang katutuhanan… talagang ganyan…

magkaholding hands kaming naglakad papunta sa counter para sa baggage at ticket.  siempre, pila dahil sa dami ng mga pasahero.  so magkayakap kaming dalawa habang nakapila. hanggang sa hindi na namin napigilan ang nararamdaman kye we started hugging and kissing each other!

shayt talaga.  dami nakapila pero dedma lang kami at halikan kami ng halikan as in L2L talaga.  wiz kami paki-alam sa mga katabi namin.  para kaming bida sa isang pelikula… talaga namang kala mo ay may shooting. nyehehehehe…

natigil lang ang aming pda ng ako na ang susunod na kukunan ng ticket. pagkatapos non, sa harap ng immigration, tudo halikan at yakapan na naman. parang ayaw naming maghiwalay.  feeling ko, kami lang dalawa ang tao sa mundo.  ang sarap na ang hirap… dahil alam mong pagkatapos nito, tuluyan na kayong hindi magkikita!

para bang napakatagal na naming magkakilala, matagal ng nagmamahalan… masakit. lalo na at makikita mong humihikbi ang kaharap mo dahil sa pigil na pag iyak… lalo na at nakikita mong umaagos ang mga luha sa kanyang mga mata… parang gusto mong pigilin ang ikot ng mundo!

hay… pag ibig nga naman sa maling panahon… bakit kelangang mabuhay tapos papatayin din pala!?

another day~

June 21, 2006

sabi nga nong ka-opisina kong kano, SOS! na ibig sabihin, itz another day… but same old shit!  ganon pa rin… walang pagbabago.  araw lang ang nabago, pero ang sitwasyon, nakaka-tobatz pa rin.  kaka praning ika nga.  kung ikaw ang sabog, me amatz, wasted, kargado, at kung ano pa ang katawagan ngayon… malamang na ma-bad trip ka at ma-fliptong kapag napunta ka dito.  sabi nga, wow pare, ang lalim… di ko ma-reach!  baka walang signal o kye naman ay lowbatt?  nyehehehehehe

makapag pa usok muna. isang oras na ako dito sa harap ng monitor, kelangan ko naman mag break! break! break!

its time for nicotine break!  i love you wennie.  ur the best.  mwah!

gud morning~

June 21, 2006

toitz… nagbi breakfast.

tinapay saka brewed coffee.  meron mamaya libreng breakfast.  kaso alas otso pa magsisimula.  kesa maghintay, e di kumain na lang muna at mamaya, lafang uli!  tapos magbalot na lang para sa tanghalian.  o diba, nakatipid ng isang kainan. nyehehehehe

ganito dito sa opis, merong breakfast meeting (kuno) every wednesday… pero wala namang ginawa kundi magkainan sa loob ng conference room at gawing dining table ang conference table! 

para na ngang multi purpose dot function room ang conference room namin. paano, meron na doon nakalagay na kapihan at inuman.  during lunch time, ginagawang dining room.  after lunch time, ginagawang bedroom!  kulang na lang toilet at kama, para na siang master bedroom! bwehehehehehehe

tagal~

June 20, 2006

30 minutes pa bago ang uwian!

naka ilang pausok na sa labas. sobrang init na ngayon dito.  talagang manghihina ka sa sobrang init. hindi naman pwedeng hindi magpa usok, dahil isa ito sa mga pampalipas oras natin.  dahil kung walang usok, babaran sa monitor, mata naman ang aangal.

kaya eto, nagti tiaga na naman kausap ang monitor habang tumitipa ng keyboard.  palipas lang… kahit ano, kahit walang saysay… teka, kelan ba nagka saysay ang mga sinasabi mo? nyehehehehe

sabay, me katokwiran ka dian.  wala naman talaga sense mga sinusulat ko.  pero oks na rin dahil nakakatulong, para mabawasan ang minuto na nagpapahirap para mag stay dito. kumbaga sa nakakulong, sabik ng lumaya!

mamaya, magkikita kami ni meyor.  miss ko na rin kumain ng spare ribs.  sa sobrang pagka miss ko, nakalimutan ko na last month pala, puro spare ribs ang kinakain namin! nyehehehehe…

naalala ko lang nong sabihin nia sa akin kanina sa email.  akala nga nagpapalakas ako kye gusto kong kumain ng spare ribs.  nagkaroon kasi ng derby last friday. siempre, natanggalan tayo ng lakas… kye akala ni meyor, meron na namang big fight kaya nagre ready ako.

30 minutes na lang! hay…. katagal!

si meyor, 6pm pa ang labas. kye malamang, uwi muna me ng haybol, pahinga tapos wait ko na lang sia sa haus o kye naman ay magmi meet na lang kami kung saang resto kami lalafang.

430pm pa rin! ano ba yan, parang ayaw ng gumalaw ng mga kamay ng orasan.  ano yan, napagod na rin? nyehehehehe… gusto pa yatang mag stay ako dito.  hay naku, kung nde lang kelangan ng pera, hindi ako magti-tiaga dito.  sa bahay na lang ako, kakain, tutulog, iinom, mamba-babae, tatambay at gigimik! 

kaso kung wala ka namang pera, kahit isa sa mga gusto mong gawin, hindi mo magagawa.  ang mangyayari sayo, didilat lang ang mata mo sa gutom! nyehehehehe

mga gurls pa naman ngayon, para kang nag-a-apply. ang unang requirements, dapat me wheels ka.  ayaw pa ng kotse, gusto suv pa!  mapili na talaga at tumataas na standards ng mga gurls ngayon.  hindi katulad dati, mailibre mo lang ng pamasahe sa jeep, me puntos ka na.  eh kung mailibre mo pa ng meryenda sa karinderya… plus points na naman!  at kapag naihatid mo pa sa uwian ng nakasakay kayo sa espesyal trip na tricycle, malamang maka-homebase ka na! nyehehehehe

jovelle~

June 20, 2006

nakita ko sia sa isang park sa tsimsatui ng minsang mag-bakasyon ako sa hongkong.  kausap ko ang tita ko dat tym at habang nakatayo kami ng tita ko na nag uusap, nakatingin sia sa akin. 

hindi ko pinapansin pero unang kita ko pa lang sa kanya, natipuhan ko na. maganda sia, seksi at ang suot, talaga namang maa-akit ka.

pinakilala sia sa akin ng tita ko.  asawa pala sia ng anak ng kumare ng ermatz ko. bale magkatabi pa kami ng bahay sa pinas!  nagtanong kung pwede siyang magpadala ng laruan pag balik ko sa pinas. siempre, oo naman agad ako!

nahiya akong yayain siyang mamasyal, dahil kasama ng tita ko. baka kung ano pa ang isipin at isumbong pa me sa mommy ko.  kye sinabi ko na lang na magkita kami kinabukasan, para maibigay niya ung ipapadala niyang laruan para sa anak niya.

bata pa siya, mga 20 yrs old lang yata. maaga lang sigurong lumandi kaya nagka anak at nagka asawa agad.  ung asawa nga niya, walang trabaho at panay lang ang laro ng basketball sa harapan namin.  sustentado lang ng mga magulang dahil parehong nasa abroad.

binigay ko na lang kung room number nong hotel na tinutuluyan ko para puntahan na lang niya ako kinabukasan.

mga 10am ng sumunod na araw, dumating siya sa kwarto na tinutuluyan ko.  naka jeans na sira-sira, naka boots at naka hangging t-shirt na black.  litaw ang tback!

shayt!  parang gusto ko ng reypin nong pagkakataon na un. nagpipigil lang ako dahil sa kapitbahay ko ang asawa nia at family prends pa ng family namin.

pina upo ko sia sa kama.  binigyan ng maiinom at nagkwentuhan kami.  tanong ako ng tanong. nde me maubusan ng sasabihin. siguro talagang ganon kapag interesado ka sa kausap mo.  tinanong ko pa nga kung meron pa siang kapatid na gurl, kasi sabi ko ang ganda-ganda nia.  paduday effect lang un, para malaman nia na type ko sia. pero wala na raw siang kapatid na gurl, puro lalake daw.

sabi ko pa, sayang, huli na ng makilala ko sia! nyehehehehe.. puro palipad hangin.

hanggang sa naging palagay ang loob nia at nakapag kwento na ng tungkol sa kanilang dalawang mag asawa.  meron konting problema, dahil nahuli nia raw na me babae ang asawa nia.  hindi ko lang alam kung tutuo ang sinasabi nia, o kung dahilan nia lang din ito para kung halimbawang bumigay sia sa akin ay may dahilan sia!  na pwedeng sabihin na gumaganti lang sia sa asawa nia!  sige, ganti tayo! nyehehehehehe…

doon na kami nag lunch sa loob ng room. nagpa deliver na lang me ng matsitsibug.  meron pa akong imi-meet na ibang gurl naman sa hapon, kye nde kami pwedeng mag stay ng matagal sa room.  kye sabi ko, na kung wala siang pupuntahan, ihatid na lang niya ako kinabukasan sa airport.  pumayag naman.

nde ako maka diskarte ng todo, dahil hindi ko alam kung bibigay o hindi. sa pagku kwento naman nia kasi, talagang labz nia ang asawa nia… at mahirap ng pumapel. dami naman dalaga dian, bakit sa may asawa pa, diba?

so nong tumayo na sia at magpa alam, nag good bye kiss ako sa kanya.  tapos nde pa me nasiyahan, niyakap ko at ni-kiss uli.  ayun, nde ko na alam kung paano ang sumunod na pangyayari, basta nagising na lang me na nagyayakapan at naghahalikan na kaming dalawa! nyehehehehe

paraiso~

June 20, 2006

dito sa paraiso, halos lahat bawal.

bawal ang babae.

shayt! kung ano pa naman ang pinaka importante sa buhay ng tao, un pa ang unang-unang bawal.  daig mo pa ang ikinulong dito. ang mga babae, me takip ang katawan, mula mula ulo hanggang paa!  minsan, swerte mo na kung nakalabas ang mata.  kawawa ang mga babae, pero mas kawawa ang mga lalake!  tingin na nga lang, bawal pa!

bawal ang alak.

shayt uli!  paano ka pa gi-gimik, kung wala na ngang babae, wala pa ring maiinom! haynaku, ganito ang life dito, walang kabuhay-buhay! 

bawal ang sugal.

oks lang. nde naman me mahilig sa sugal, kaya walang problema.

pero alam mo ba, na kahit halos lahat ng pwede mong paglibangan ay bawal, and2 pa rin lahat ng ilegal.  andian ung may mga gumagawa ng homemade na alak.  may mga nagpapasugal sa kanilang mga nire-rentahang flat or kwarto… at lalong andian ang mga babae at lalake na nagkikita or nagsasama ng pareho namang hindi kasal o mayroong mga asawa na nasa pinas!

kaya kung hindi ang lalake ang kabit, yung babae.  minsan naman, parehong kabit, dahil parehong may mga asawa na! 

dito ko nakita sa paraiso kung paano na ang mga babaeng may asawa ay na ay nakikipag relasyon pa sa iba.  dito ko rin nakita kung papaanong ang mga dalagang babae ay kumakabit sa may asawa. maraming dahilan, isa na siguro ang kalungkutan, pera, at panandaliang kalayaan.  kalayaan na makagala at makalabas, makapamasyal… na mayrong kasamang ilegal… na kapag nahuli, kulungan ang babagsakan.  ang tanong, paano na ang mga anak at asawang naiwanan? 

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.